Call for Volunteers: SPARK Project in A. Mabini St.
February 11, 2025
Pasigueños!
Ikaw ba ay malikhain o di kaya naman ay gustong mapabilang sa isang community project? Halina’t sama-sama nating pagandahin ang A. Mabini Street sa Lungsod ng Pasig!
Inaanyayahan ang lahat, lalo na ang mga residente ng Brgy. Kapasigan, Brgy. San Jose, Brgy. Malinao, at Brgy. San Nicolas, na makiisa at tumulong sa SPARK (Sparking Active Mobility Actions for Climate Friendly Cities) Project Team upang gawing mas kaaya-aya at ligtas ang ating mga daan!
Ang bawat volunteer ay inaasahang tutulong sa pagpipinta ng street murals at paglalagay ng street furniture sa A. Mabini Street.